Kay Tagal.. Na Para Ba Akong Mababaliw

Ang tagal! sobrang tagal ko ng hindi nakapagsulat muli. Parang kinuyog tuloy ako ng sangkaterbang litanya at bugso ng naguumapaw na damdamin. Charot!

Hindi nga, kung mabibilang ko lang kung ilang beses kong binuksan ang browser ko para lang tumitig sa “New Post” at sa huli’y wala rin namang naisulat, eh malamang nakatapos na ko ng isang episode ng Big Bang Theory.

Hindi naman ata writer’s block yun dahil pag nasa byahe naman ako, o pag nasa banyo, o pag nakikipaglaro sa baby ko ay nakakabuo ako ng tula sa isipan ko. Hindi ko nga lang talaga mamemorya ang mga ito. Signs of aging? letse!

Samahan mo pa ng stress sa work, sa lovelife, sa motherhood, sa how to be a successful woman in your 30’s and be a rockin mom/wife chenes. Hay..My hands are full! Ang hirap maging Me!

Bahala na si Batman, basta masaya ako, Tapos!. Umeepekto na uli ang kape at madaling araw sa “creativity” ko, konting push pa siguro makabubuo pa ko ng mas malalim, yung mas tagos sa puso, yung mas nakakapang-init ng dugo, ng balon-balunan at atay mo.

 

 

**Wet lang, magpapaka weird muna ako, baka may maproduce ulit na tula ang lola mo.

eddit

photo not mine, credits to the owner

 

Sa Ulap, Sa Hangin at Sa Ulan

DSCN0246

 

Gumising sa magandang umaga
sumilip sa naglalarong ulap
busugin ang panangin sa kagandahan
sisila’y ang ngiti pag iyong napagmasdan

Ipikit ang iyong mga mata
at mataimtim na makinig
humuhuni ngayon ang mga maya
ng may pagsinta at tamis

Damhin din ang paglalaro ng hangin
tila humahagod sa iyong katawan
isiping ito’y isang mangingibig
na tahimik na nagpaparamdam

Kaya nga’t ibubulong na lang sa hangin
at ipadarama sa pagpatak ng ulan
ang pagibig kong nananahimik man
asahang ito’y palagi namang nariyan.

mga titik na dulot ng pagsilip sa may patio

mga titik na dulot ng pagsilip sa may patio