I HAD YOU

 

I ran back against the strong wind,

against the drops of water that slowly trickled and casted a sad somber feel,

the likes that imitates the sad love story we just saw.

 

I am about to say I am sorry,

I am about to plead my life with just these three words,

I am about to beg and give you the relish of seeing me in misery

Of Me not having You, in my Life, EVER.

 

But Alas like in every sad love story, your car arrived too early and mine came late

that I have to wilder through traffic, while yours was blissful.

I came at your door in despair, sorrow hanging on my shoulders and tears struggling not to fall..

 

But your already gone.

 

Gone, that you haven’t been able to hear how every bit of your

touch haunts me, how every soft whispers can still be heard inside my room,

how your embrace have made me courageous, how I hold you dear, how I treasure YOU!

 

Well, technically its when I HAD YOU.

 

 

Now this is our sad love story, true, painful and a sad cliche.

Ang Huli Araw Natin

the-end

Sa kalagitnaan ng kaguluhan hindi ko matiis na hindi lakbayin ang nakaraan,

kung saan ako dating nadapa, kung saan pilit pumihit at pag-iibiga’y nawala.

Doon ko nakita ang ating kamalian, sa gitna ng mga halik, galit at kamangmangan

sa pagpipilit angkinin ang lahat ng biglaan, sa pagmamadaling abutin ng walang pag aanuman

Ngayon sa dulo ng taon ako’y napahinto, nakatitig sa naiwang mga sulat at regalong hindi na naibalot

Nagninila’y kung ano at papasaan nga ba, kung dapat pa bang hintayin,o iwanan ang ating pahina.

Ang Paghihimagsik

 

Sa araw na ito aking isisigaw

ang mga tagong mura na dati kong nais ihiyaw

isasampal ko sa sistemang bulok at puro kupal

ang galit ng mamamayan na matagal ng nangangatal

 

Aking wawasakin ang sistemang inyong binuo

isang kabulukang kayo lang ang may gusto

bayan kong mayayaman lang ang may boses at lakas

habang bingi at bulag naman sa taghoy ng sa iba’y nasasadlak

 

Ito ang rebolusyon ng bawat isa sa atin

ito ang paghihimagsik ni  Juan dela Cruz at ni Gloria Lanting

sa gobyernong walang pakialam at sa kakaunti lang may ngipin

putang*na talaga!!

sa boto ko, mo!… sana’y ginhawa ang ating makamit.

 

 

#DownWithTheOligarchs!!!!!

paghihimagsik

Fairy Tale

Kung sa kalungkutan ng isipan maitatago ang dilim ng buhay,

papasaan ba ang ngiti na lagi mong tangan?

 

Kung sa likod lamang ng pilik mata mababasa ang kalungkutan

Ano nga ba’t kailangan pang makipagugnayan

 

Ang bigat na nadarama tanging talukap lang ang nakadarama

Tanging mga tenga lang nakaririnig sa impit na mga hikbi

 

Yaring mga kamay ang nakaaalam ang tila binagyong pamumuhay sa likod ng dilim

At tanging yaring mga paa lamang ang nakaranas kung ilang beses kang tumakbo upang maghanap ng sayo’y sasagip.

 

Kung ang kadiliman ng buhay ay naitatago sa anino ng bawat  buhay

Hanggang kalian kaya ito kayang dalhin, at  sa kalaunan kaya’y maliliwanagan din?

675702