Pagaspas ng Isipan

Nakatanga, nakatulala
isipa’y naglalakbay sa kaligayahang natamasa

Nagpipilit, nagsisikap
inaalala ang mga ngiti at talatang binigkas

Nagsasaya, minsa’y nagdurusa
pagka’t sa liliw ng musika na lang ito mahahanap

Kaya’t…

Sa kailaliman ng pagtulog at mapusyaw na panaginip
doon muling naapuhap ang binuong daigdig
kaulayaw sa lungkot at mga hikbing ninoman di nadinig
nagbabasakaling sa pagsilip may paglingap na madinig.

Advertisements

.txt

Mga matang mapagtanong

mga kamay na naglilikot,

biglang nakaapuhap

ng isang malikot na patnugot

Kahit may takot na nadarama

at tila pait na nagbabadya,

mga mata’y napako na

sa mapaglarong mga akda

pilit man pumikit, isipa’y nais makaintindi

mga kalokohan, kalikutan,

ba’t hanggang ngayon iyong kinukubli?

Ma’y binabalikan ka bang ala-ala?

o

hinahanap hanap mo ang kiliti nitong dala,

ang kahapon ba’y inaasam mo pa

at sa kasalukuyan ay nauumay ka na.

Ala Una

To my hon.. 

Sa lamig ng gabi

tumitindi ang aking pananabik

hinahanap hanap

ang init ng iyong yakap at halik

Sa ala-una ng umaga

tinitikis ang damdaming sumisidhi

niyayakap na lamang

ang unan ng mahigpit

inaasam asam na ika’y muli aking makatabi

at sa bawat ala una ng umaga pagmulat ko

— kaw ay syang kapiling.

Guess whose getting married guys ❤  ayiieeee 

Ang Manunulat

Nakatitig sa kawalan
naghihintay ng dumaraan
nagaabang ng sinuman
sumasabay sa musikang pumailanlang
yan ang nabubuo sa utak na mapaglaro
nangingimbot ang puso
at labing may ngiting tinatago
nagliliwaliw palagi ang kamalayan
sa saan mang dako, bumubulong sa musang nagdaraan
nagpapaalon, minsay nagpapalunod
upang lengwahe ni Florante ay sya nawang mabuo…

Sa lawa ng Pandin muling naiguhit sa isipan at natagpuan ang musa.. — cheng