Sakalan ni Cheng

Konting konti na lang

ang sabi ko saking mga paa

ilang hakbang, isang sakay

isang mainit na hapon ang naghihintay

AAkyat, bababa

sasakay ng bus pa norte at pa timog

pa bungad sa gusaling nais maarok

naghihimutok pagka’t katawa’y nayayamot

Ngunit isang ngiti ng pagbati

mula sa naghihintay na sinisinta

yamot at kirot at ng mga paa’y

nawala na lang bigla..

isang halik, isang dantay ng bisig na mapagmahal

bumubulong na “halika’t matatapos na rin ang ating paghihintay”

Abi ayusin mo pagkanta nito 😀

**** nakakapagod pala mag-ayos ng kasal… (facepalm)***

Paghablot ng Nakaraan sa Kasalukuyan

“Kandong at nakakubli sayong mga bisig

hinihintay na ang mundo ay tumahimik

pinipilit na tanggapin ang iyong suliranin

di mo lang napansin mga luha ko’y pumatak na rin…”

 

Ano nga ba ang pamantayan ng salitang pagmamahal?

pano nga ba masasabi na ang binigkas ay may bigat?

ano nga ba ang dapat sa isang magkatipan?

hanggang kailan nga ba tatahimik at tanggapin ko na lang?

 

Ito ang mga katanungan na sa umaga ko’y gumamambala

mga tanong at hinanakit ng pusong pilit nagpaparaya

pilit na umiintindi ngunit pagnanasa’y di maikubli

pwede ba minsan naman ako sayo’y maging makasarili?

 

Aking Mumunting Kundiman

Umuulan na naman, ang isa sa mga bagay na paborito ko sa buhay na ito.. nagaanyaya na magmuni sa mga bagay na nakapag pangiti kasabay ang isang nakaka kilig na kanta.. haayyyyy 😀

 

Sa hinaba haba ng aking nilakbay
napatid na ang tsinelas
namuo ang kalyo sa balat
sa isang segundo ng iyong pagdating
tila pelikula ng buhay ko ang aking nabatid

Liwanag at bulaklak
nahulog mula sa kawalan
tugtog ng APO ang biglang pumainlan lang
saking mga mata
sugatang prinsipe ang nagisnan

Puso’y kumabog, utak ay nalito
sa kislap ng ngiti nya
at sa yakap nyang sumalubong
luha’y pumatak sa gitna ng kanyang mga bisig
alam mo bang kay tagal ko ng hinintay
ang iyong pagdating.