Ang Huli Araw Natin

the-end

Sa kalagitnaan ng kaguluhan hindi ko matiis na hindi lakbayin ang nakaraan,

kung saan ako dating nadapa, kung saan pilit pumihit at pag-iibiga’y nawala.

Doon ko nakita ang ating kamalian, sa gitna ng mga halik, galit at kamangmangan

sa pagpipilit angkinin ang lahat ng biglaan, sa pagmamadaling abutin ng walang pag aanuman

Ngayon sa dulo ng taon ako’y napahinto, nakatitig sa naiwang mga sulat at regalong hindi na naibalot

Nagninila’y kung ano at papasaan nga ba, kung dapat pa bang hintayin,o iwanan ang ating pahina.

Advertisements

Lihim

Sa biglaang pagkamulat

Sa isang iglap

Ang lumang mga sugat

muling  nagsipagbukas

Sa muling pagdanak

Sa puso sana’y maapuhap

Mga dating nasambit

Sa puso’y sana’y kumudlit.

***

Excerpt from the song by STING titled Fragile

“If blood will flow when flesh and steel are one
Drying in the colour of the evening sun
Tomorrow’s rain will wash the stains away
But something in our minds will always stay”

“On and on the rain will fall
Like tears from a star, like tears from a star
On and on the rain will say
How fragile we are, how fragile we are”
-Sting

Lamay

image courtesy of popscreen.com

Nais kong humimlay…

panandalian na maghihintay

makikinig na lamang sa mga yabag

sa maari mong pagbabalik;

ipipikit ang mga mata,

habang luha’y di pa tumitila

inaasam na sana’y sa pag gising ko

sa huli’t huli’y

ika’y muling makapiling.

Ang Mananayaw

Ikutin mo ko,

isabay sa iyong sayaw

painugin mo at wag ng magtagal

pahiluhin mo kahit pa mangatal

painitin ang katawang

sa indayog mo’y nauuhaw.

Gabayan mo ko sa bawat pagpihit

paikot man o pagiling

halika’t sabay nating lunurin

ang bagang kay tagal ng sinisikil.

** sorry if I havent been around guys, I promise to be back and continue making poems.. well, after my wedding. 😄 #marchbride