Kay Tagal.. Na Para Ba Akong Mababaliw

Ang tagal! sobrang tagal ko ng hindi nakapagsulat muli. Parang kinuyog tuloy ako ng sangkaterbang litanya at bugso ng naguumapaw na damdamin. Charot!

Hindi nga, kung mabibilang ko lang kung ilang beses kong binuksan ang browser ko para lang tumitig sa “New Post” at sa huli’y wala rin namang naisulat, eh malamang nakatapos na ko ng isang episode ng Big Bang Theory.

Hindi naman ata writer’s block yun dahil pag nasa byahe naman ako, o pag nasa banyo, o pag nakikipaglaro sa baby ko ay nakakabuo ako ng tula sa isipan ko. Hindi ko nga lang talaga mamemorya ang mga ito. Signs of aging? letse!

Samahan mo pa ng stress sa work, sa lovelife, sa motherhood, sa how to be a successful woman in your 30’s and be a rockin mom/wife chenes. Hay..My hands are full! Ang hirap maging Me!

Bahala na si Batman, basta masaya ako, Tapos!. Umeepekto na uli ang kape at madaling araw sa “creativity” ko, konting push pa siguro makabubuo pa ko ng mas malalim, yung mas tagos sa puso, yung mas nakakapang-init ng dugo, ng balon-balunan at atay mo.

 

 

**Wet lang, magpapaka weird muna ako, baka may maproduce ulit na tula ang lola mo.

eddit

photo not mine, credits to the owner

 

Tears of 2014

Breathe in, breathe out

let the orbs despair flow

let your heart sank low

make every tears count

as it slowly slide down

allow each hurt to go

like the memories he once bestow

just let yourself gasp for air

as you bid…

your sweet farewell.