Ang Huli Araw Natin

the-end

Sa kalagitnaan ng kaguluhan hindi ko matiis na hindi lakbayin ang nakaraan,

kung saan ako dating nadapa, kung saan pilit pumihit at pag-iibiga’y nawala.

Doon ko nakita ang ating kamalian, sa gitna ng mga halik, galit at kamangmangan

sa pagpipilit angkinin ang lahat ng biglaan, sa pagmamadaling abutin ng walang pag aanuman

Ngayon sa dulo ng taon ako’y napahinto, nakatitig sa naiwang mga sulat at regalong hindi na naibalot

Nagninila’y kung ano at papasaan nga ba, kung dapat pa bang hintayin,o iwanan ang ating pahina.

Advertisements

Ang Pag-ibig ko’y Isang Rosas

Sa likod ng kanyang mga titig

may misteryong nakapaligid

mula sa mga matang may luhang nangingilid

at sa mapupulang labing tampipi

 

Mga talukap na kay bigat at nangingitim

paglinang na nauupos ang syang mababatid

at sa pagaralgal nyang pagtaghoy ng iyong ngalan

ni minsan ba’y iyong napakinggan?

 

Iyon ang mukha at anyo ng kanyang pagibig

tila isang natuyong rosas sa nagbabagang init

sa tingkad nito sa simula di nga ba’t ligaya ang naihatid

ngayo’y lanta at mapusyaw na tila umaamot ng pagibig.

aaaaa

photo courtesy of gettyimages.com

 

 Once a blooming red rose,
full of streaming life in its vein.
Now A wilting black petal
rupturing with death and pain.- Jessica Sorensen