Protektado: Sa Pagtiklop ng Pahina at Sa Iyong Kaligayahan

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

Sally-Emily-Sheena— Song?

Ano itong paparating
tila isang bagyong dumarating

patuloy na umiihip
lumalakas at umiigting

eto na’t papalapit at nananakot
sa puso kong palaging kumakabog

pagka’t sa halik ng isang pangako
sa yakap nya’y sakin ika’y maglalaho.

“mata kong mukhang uulanin
at puso kong tila kukulog
taimtim na naghahanda
sa bagyong maiiwan mo.”

**painful yet beautiful**

Sung by the character Sally but used in this video for Emily and now used in the poem by Sheena. 🙂 

 

 

Paano Ko Sisimulan Ang Bukas?

Paano mo sisimulan ang bukas?

Kung ang bukas ay walang kasiguraduhan
Kung ang tanging bahid ng luha ang syang naiwan
Kung ang nasambit ay walang katotohanan

Paano kung ang tanging minahal ay lumisan
Paano kung ang paghihirap ay di na makayanan
Paano kung ang pangarap ay di na maabot
Paano kung ang buhay na pinahiram ay unti unting naglalaho

Ipaglalaban mo pa rin ba ang bukas?
Isisigaw at aabutin?
Hahanapin ang minamahal at yayakapin ?

 

Paano nga dapat simulan ang bukas
—kung ang bukas na nakalaan ay sya mo namang binitiwan.

Ala-Ala Mo

 

Maari bang hagkan ang iyong labi
at yakapin ka ng mahigpit

Pipikit at dadamhin ang mga sandali
hihilingin sa isip na sa ala ala’y,
—   ito’y kailanma’y di magmimintis

Uutusan ang puso na sayo’y di magtataksil
lulunurin ang damdamin sa tamis nitong pagibig

Lahat ito’y babaunin at aangkinin sa aking pag alis
mga alaala ng mga ngiti na iyong pinasilip.