A Uno


Ako’y muling naupo sa may terasa,

inaaninag ang kaulapan, habang inaalam ang nadarama

nagbababad sa init ng sinag,

tinitiis kung hatid naman nito’y pusong panatag.

Pinapakinggan din ang huni ng mga maya,

inaalam ang kwento nilang dala.

Sinisipat ang mga dahong sumasayaw,

sa laro ng hangin lahat ay nais maki-ulayaw.

Humahagod sa katawang puno ng pagtikis,

tila isang yakap mula sa isang mangingibig,

umaalo habang luha’y dumadampi

nagsasabing    “palayain ang takot sa pagsintang sa puso ay hatid”.

                                          ………..“palayain ang pagsintang nagdulot ng pait”……

image courtesy of ide4.com

Advertisements

8 thoughts on “A Uno

Give it to me Baby

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s