Halik sa Ilalim ng Buwan


 

Paisa isang mga hakbang
patungo sa langit na hinahangad
mga kamay na humihipo
binabalik sa isip ang ‘sang pagtatagpo

Ito ang dingding na nakamasid
kung saan tayo ay nahindig
kamay mo sa balikat ay humipo
habang iyong mga titig sa puso ay humagod

Ito naman ang terasang nakarinig
sa kwentuhan nating namayani sa dilim
kung saan mga labi’y napalapit at lumapat
at init mo sa blusa ko’y, kumakalat bumabakat

Ngayon sa liwanag aking minamasdan
ngumingiti sa alaala at sa katagang nabitiwan
nagpapasalamat sa gabing ika’y huling nakamtan
na syang nagbigay linaw sa ating kinabukasan.

 

epilogue:

Dalawang pusong uhaw at sabik sa pagmamahal
inalo ang kalungkutan, pinunan ang kakulangan
nagsalo, nagpasalamat sa mapaglarong tadhana
humalik sa ilalim ng buwan at tuluyang nagpaalam.

Advertisements

Give it to me Baby

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s