Pangako sa Kabilugan ng Buwan


Halika’t ihilig ang ulo
sabihin sakin  sa isipan mo’y gumugulo
pumikit lamang kung ika’y nangangamba
at yayakapin kita kahit pa mag -umaga

Di kailanman iiwan sa iyong kalungkutan
lilingapin at sasagipin
ang puso ko’ y lagi kang ipaglalaban

Gagapiin ang mga demonyo ng iyong nakaraan
tatanggapin at mamahalin
ikaw ang anghel sa buhay kong kinasadlakan

Malayo man sa atin ang paraiso
sa iyong mga bisig at halik
tila langit na ang narating ko

At sa kabilugan ng buwan aking ipa- totoo
mahal na mahal kita, syang sigaw ng damdamin ko
handang sumuong sa hirap, hahamakin ang lahat
at sa lumbay at takot, di kita isusuko,
di ako patatalo.

image courtesy of gargoyle-warrior.deviantart.com

New moon tayo this March 30, hanap na po ng kayakap?

 

 

 

Ang pagmamahal ko’y di magmamaliw, magbabago at di magmimintis,

yan ang pangakong habambuhay kong patutunayan . 

bagong RNB na OPM KISS

Advertisements

6 thoughts on “Pangako sa Kabilugan ng Buwan

  1. Reblogged this on Miserable At Best and commented:
    Paano mo nga ba ipaparamdam ang pagmamahal?
    sapat na ba ang yakap?
    ang isang halik?

    o ang isang talata na ubod ng tamis.

    Basahin natin ang pag deklara ng isang dilag ang kanyang pagibig.

Give it to me Baby

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s