Baliw Baliwan Lang


International Day Of Happiness pala kahapon, bago sa pandinig actually nagulat ako na may ganun palang araw. Naisip ko tuloy, so kung may day of happiness pwede kayang may sadness din? hmm sino naman kaya nakaimbento nito, pauso? Anyway, maaring nais lang ng may gawa nito na i-uplift ang mga damdamin ng tao, kahit isang araw man lang diba? kahit sapilitan? hehe 😀

Buti na lang naging masaya at maginhawa ang araw ko, atleast masasabi kong na celebrate ko sya. Although karamihan nga lang eh ako ang napagtitripan pero ok lang atleast  nagdulot ng kaligayahan sa ibang tao.

Isang ehemplo nito ay ang mababait kong kaibigan, nagpapaka chef kasi ako mga ilang araw na. May mga araw na mintis at may mga araw na feeling ko pwede ko ng labanan si Gordon Ramsay.

Aba, nakagawa ata ako ng masarap na kare-kare, yey! success!

DSCN0027 DSCN0026

Yun nga lang pumalpak ako kagabi sa sopas ko, omaygad naubos ang sabaw sinipsip ng macaroni! tawa lang ng tawa ang mga ungas at niloloko akong yan daw ang magiging mitsa ng pambabae ng magiging asawa ko

“hala ka! sopas mambababae na sya?!”
“Oo, kasi pano kung may sakit sya tapos ganyan ipapakain mo”

Hmph! nakakainis, one glorious moment sa kare kare ko tapos aawayin lang ako sa sopas!? sinabi ko na lang na magiging mayaman ako at kukuha ako ng 3 chef para ipagluto sya ng gusto nya, ako na lang lagi nyang lantakan! kahit 2 basketball team pa buuin namin. (alilain mo ko honey)

Moving on, nung kinahapunan nagkaroon din kami ng kulitan ng sis ko, nag action photo shoot kami with my dogs. Sobra as in winalk kami ng dogs and not the other way around, masaya naman at para kaming lalaban sa boksing sa sobrang pagod na feeling ko magkaka fatigue ako pag hindi pa kami tumigil. Napagalaman ko ring maloko din ang aso katulad ng amo.. hehe actually pinahabol ko sa mga aso ang mga kambing ng kapitbahay namin, at kasama akong humahabol dun.

Nung kinagabihan naman, akala ko bagsak na ko sa bed dahil sa kapaguran nga at nais ko na lang mahiga at matulog pero dahil sa pangungulit ng aking kaibigan na makinig  ng isang programa sa radyo, dun na nga muling nabuhay ang kabaliwan ko. Concert lang naman kami sa videocall, nakisabay sa kantang Ever since the world began, Before I fell in Love at Lord Patawad, hayyy!! nakaka miss din talagang tumawa bago matulog, iba ang kaligayahan at kaginhawaan sa kalooban lalo na kung pinapadama din ito ng iyong kasama, nakaka bata sya. 😀

Talaga nga naman, mapalapit  o mapalayo man ang mga minamahal natin sa buhay basta’t nagbibigay sila ng ngiti at kaligayahan sa atin at may pagnanasa na iparamdam ang kanilang pagmamahal, at ofcourse dapat iparamdam mo rin ito sa kanila, ay I’m sure every day would be a Happiness Day.

love love love lang 😀

Advertisements

6 thoughts on “Baliw Baliwan Lang

Give it to me Baby

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s